Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Seminary Formation. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Abril 12, 2014
SA PAGSO-SORRY NI POPE FRANCIS DAHIL SA KALIBUGAN NG ILANG PARI
Nitong nakaraang araw, muling humingi ng paumanhin ang kasalukuyang Santo Papa ng simbahang katolika para sa mga nagawang sexual abuse ng ilang mga pari. Hindi na bago ang mga balita ng pagmamalabis ng ilang mga pari. Sa Amerika, halimbawa, mayroong mga kasong isinasakdal pa sa korte at nakukulong ang mga ito. O di kaya ay tinatanggal sa parokyang kanilang pinaglilingkuran.
Maging sa Pilipinas hindi na rin bago ang iskandalong kinasasangkutan ng mga pari. Mayroong mga nambabae, mayroon din namang na-isyu sa panlalalaki.
May isang kwento si Pete Lacaba tungkol sa isang pari at at isang doktor. Marahil hindi ito orihinal na kwento ng makatang si Ka Pete, pero sa kanyang blog ko ito nabasa:
Doktor: Padre, me magandang balita at me masamang balita. Ang masamang balita ay ito—meron kang isang pambihira at kakaibang sakit sa bayag. Pero ang magandang balita naman ay—me gamot diyan. Kaya lang, hindi ko alam kung puwede mong gawin.
Pari: Ano ang gamot, Dok?
Doktor: Sex, Padre. Kailangan mong makipagtalik sa isang babae.
Pari (saglit na mag-iisip): Payag ako, Dok. Pero sa apat na kondisyon. Una, kailangang bulag siya—para hindi niya makita kung kanino siya nakikipagtalik. Ikalawa, kailangang bingi siya—para hindi niya marinig kung sino ang kanyang kasiping. Ikatlo, kailangang pipi siya—para mahulaan man niya kung sino ang katalik niya ay hindi niya ipagsasabi sa kahit sino.
Doktor: At ang ikaapat na kondisyon?
Pari: Malaki ang boobs.
NAKAKATAWA ANG KWENTO. Pero, malimit sa totoong mga pangyayari ng pang-aabuso, ang mga naabuso ay nananatiling "bulag, bingi, at pipi" sa uri ng karanasan nilang pinagdaanan. Sasarilinin na lamang nila ang masakit na karanasan na para bang sila pa ang dapat mahiya.
Malamang kinukondena na natin sa isip natin ang mga paring nangmolestya dahil sa tawag ng laman. O mas mainam sigurong tawaging kalibugan. Sa batas ng estado, bawal ang pangmomolestya lalong lalo na kung menor ang gagawan nito. At maging sa turo ng simbahang katolika imoralidad ang ganitong mga gawain.
Pero, hindi ba't sa kasaysayan ng simbahan ay mayroong ring mga tinanghal na santo na dumaan rin sa pagsubok ng malalaswang gawain. Si San Agustin, halimbawa, ay sinasabing napaka-babaero bago ang kanyang conversion. Andyan na nga at dinadasal niya sa Diyos na gawin siyang mabait pero hwag muna ngayon ("Lord, make me chaste, but not yet!").
Patunay lamang ito na hindi pa huli ang pagbabago para sa mga nadapa sa isang yugto ng kanilang buhay. Sabi nga ni Oscar Wilde, "Every saint has a past; Every sinner has a future". Ang paghingi ng paumanhin ng Santo Papa ay isang tanda ng kababaang-loob. Bilang isang tao, mayroon tayong potensyal na magkasala, na magmintis ang ating kilos sa nararapat nitong kahulugan. Subalit, ang paghingi ng paumanhin din ang tanda ng kahandaang bumangon at bumalik sa tamang daan.
Kaya lagi kong inspirasyon si San Agustin. Minsan nang nadapa sa kalibugan, subalit pinaglabanan ito at naging santo. Sayang nga lamang at ipinasarado na yata ang Saint Augustine School of Nursing. :))
Mga etiketa:
Ilang Kritisismo,
Seminary Formation
Lunes, Abril 7, 2014
SI FR. TOM AT ANG MGA ARAL NG SABADO
Isa sa pinaka-paborito kong araw sa seminaryo ang Sabado. Hindi dahil lalabas kami para sa ROTC at makakapag-pacute sa labas, kundi ito ang araw ng pananahimik bilang paghahanda sa Araw ng Panginoon, ang araw ng Linggo. Pagkatapos ng siesta, magkakaroon ng Opus Manuale (manual work). Unti unti na ring tumatahimik ang mga tao. Pagkatapos ng pagtratrabaho, maghahanda na kami ng aming mga sarili para sa mga sesyon. Syempre maliligo rin at magbibihis ng maayos.
Tuwing Sabado, ipinasok sa aming paghuhubog ang mga sesyon ni Fr. Tom Priela, ang aming dekano sa pag-aaral. Nagulat kami noong unang araw ng sesyon. Tinanong kami kung ano ang gusto naming pag-usapan. Walang dalang libro si Father, pero halatang handa sa kahit anong pag-usapan. Hehe! Maraming Sabado ang ginugol namin sa mga ganitong bagay. Narito ang ilan sa mga tumatak sa akin at hanggang ngayon ay pinaninindigan ko sa aking buhay:
1. H’wag ikumpara ang sarili sa iba. Dalawang bagay lang daw ang posibleng mangyari: kapag nakita mong mas magaling ka sa iba, maari kang maging mayabang; kapag nakita mong may mas magaling pa sa iyo, maari bumaba ang self-esteem mo. Kaya delikadong bisyo ang pagkukumpara ng sarili sa iba. Matutong tanggapin ang sariling kakayahan. At ipagdiwang ang buhay.
2. Ang pagtatanong ay isang ugali ng matatalinong tao (Wise persons ask questions).
3. Kasama sa buhay ng tao ang paghihirap. Una kong narinig ang kwento ni Sisyphus sa session ni Fr. Tom. Akala nung mama, paulit ulit na lang ang paghihirap at walang kwenta ang ganitong pag-uulit ulit. Subalit, hindi niya namamalayang pinapalakas na pala nito ang kanyang sarili. Kaya, hindi raw pagtakas kundi pagtanggap ang naaangkop na pagtingin sa ganitong kalagayan.
4. Kailangang simulan ang mga gagawin sa paraan nang pananahimik. Naalala ko ito noong binabasa ko si Sertillanges at ang kanyang klasikong The Intellectual Life. Hindi nga raw maganda na sige nang sige at walang panahon para manahimik at ipunin ang sarili. Sabi nga ng isang matulaing kanta, “the confusions around are mere reflections of what’s within.” Magsisimula sa sarili, palabas (ala St. Augustine).
5. Hindi lahat nang tao ay mapapasaya mo. H’wag pag-aksayahan ng panahon ang ipanalo ang kalooban ng lahat na tao. May mga bagay na tinatawag ni padre na “irreconcilable”. May mga pagkakataong kailangan mong panindigan ang mga prinsipyo. Kung alam mong nasa tama ka (with all honesty), panindigan mo at ipaglaban. THEN, FACE THE CONSEQUENCES.
6. Kung lalabas ka ng seminaryo at may plano ka pa pang bumalik, h’wag kang gagawa ng mga “irreversible”.
7. Hindi tayo nag-aaral ng pilosopiya dahil ito ay “cute”. Nag-aaral tayo ng pilosopiya dahil bahagi tayo ng sangkatauhan.
8. Pagtanda mo, makikita mo rin ang sinasabi ng mga matatanda. Matutong magpasensya dahil hindi pa tapos ang Diyos sa paglikha sa ‘yo.
Marami pa marahil akong nakalimutan. Kung hindi ko man masabi ang mga iyon, alam kong nakatatak na ang mga iyon sa aming pagkatao. Sabi nga, “ang pinakamahalaga ay hinding hindi masasabi”. Patuloy ko pa ring inaaral ang mga aral ng Sabado. Hindi ko man sila masa-ulo, sabi nga ng kaibigan kong si Joseph Cipriano, sana ay bumaba ang mga aral na ito sa aming puso. Maraming salamat po! Hanggang sa muling pagsa-Sabado. :)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)