Lunes, Abril 7, 2014

An Open Letter by an Alleged Jellyfish

Para sa kinauukulan:

Unang una po, gusto ko pong humingi ng despensa sa pagkakasangkot ko po sa isang National issue noong nakaraang araw. Hindi ko po inaakalang aabot pa ito sa ganitong kalagayan. 

Akala ko po isda rin po yung kinalaro ko. Yun pala po ay nagpapanggap lamang. Kung alam ko po sana na costume lamang yung mga palikpik, sana po ay hindi ko na sila ginulo sa tahanan namin. At kung nalaman ko po agad na costume lamang ang mga yun at nagpapanggap lamang silang serena, sana po ay pinatawag ko yung mga tunay na isda para hindi po napakapangit ng kanilang mga props at editing. 

Narinig ko lamang po na bigla akong sumikat. Headline daw po ako sa TVPatrol at ANC. Hindi ko po akalaing ang ganoon po palang insidente ay pagkakakitaan pa kahit makakasama sa industriya ng turismo sa maliit naming bayan. Sana po ay naririnig ako ng aming patron na si San Juan (Batangas po ata ang kanyang apelyido), at ibulong kay Bathala ang aking paumanhin. Hiyang hiya po ako sa aking nagawa. Sorry po, jellyfish lamang. 

Lubos na gumagalang,

Dikya Dickson




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento