Martes, Abril 8, 2014

PA-NOVALICHES

Bakas sa mukha ng nakapatig na kawal ang alinlangan,
At ang sulyap ng pasahero’y lubhang mailap,
Kay init ng hanging lungsod,
Na dala’y mapanganib na usok.
Abstrak  ang peynting ng MMDA,
Sa ibaba ng mga billboards ng bagong sine,
Kayraming dampa sa gilid ng highway
Anino ng nakalinyang matataas na gusali.
Kamatayan ni Ka Popoy, protesta ng bandalismo,
Sa direksyon ng SM North at Konsumerismo;
Bawat tanawi’y pangitain,
Kayraming pangarap, sanlaksang hangarin.
May gyera sa bawat puso
May tanong sa kalooban
San patungo ang byahe ng buhay?
Magkano ang baryang pamasahe para maging ganap ang paglalakbay?



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento