Lunes, Marso 10, 2014

Sa Pagsakay sa Dyip


Malupit pala kapag inabutan ka ng rush hour sa may U-belt (Legarda, Recto area). Nagsimulang mag-abang ng masasakyan nang 6pm. Nakasakay sa siksikang jeep nang 7:30pm. Makikipagpalitan ka talaga ng mukha sa mga commuter. Kapag tumigil ang jeep o fx, para kaming mga piranha na nakikipag-agawan.

Bakas sa hitsura ng mga tao ang pagkabagot, baka manunuod pa sila ng Juan dela Cruz. Iniisip ko yung game ng Ginebra. At, nakasakay na nga ako. Ginamit ko na ang diskarte ni Shaider sa pagsakay. Tinalon ko na, parang pagsakay ni Shaider sa Babilos.

Sa unahang bahagi ng jeep ako napasakay. Libre ang amoy ng alimuom. Buti na lang at hindi na masyadong matrapik sa Aurora Blvd. Epektibo rin naman kahit paano ang Bus ban sa Maynila. Nabawasan ang mga G. Liner (Gapang Liner daw ibig sabihin nun) na ginagawang terminal ang kalsada.




Kaso sobrang lakas ng sound sa jeep. Sa aking palagay, kung nasa kabilng jeep ako, malamang eksakto ang lakas ng sound. Imaginin nyo na lang kung gaano kalakas yun para sa amin na nakasakay sa loob. Kinabog ang nananahimik kong tutuli.

Humanga ako sa drayber na kayang kayang marinig ang “bayad po”. Agad agad naka-akma ang pag-abot ng barya. Kaya nga lamang tuwing sumisigaw ng “Ma, sukli ko po?”, mahirap ata marinig dahil sa lakas ng sound. Hehe!

Pagkarating ko sa bahay, isang galong tubig ang aking nainom. Pampalit yun sa mga ipinawis ko.

Masaya pa rin ang karanasan sa kalsada. Konteng training pa at maaari na akong maging ninja. Magagamit ko yun kapag panahon na at sasakupin na ng mga taga-Mars ang mundo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento